-- Advertisements --

Naghahanda na ang pamunuan ng Quiapo Church para isagawa ang tradisyunal na Simbang Gabi sa gitna ng pinagdadaanang pandemya ng buong mundo.

Magdadaos ng pitong misa ang Quiapo Church kung saan magsisimula ito ng alas-4:00 ng umaga, susundan ng 5:15 na misa, at 6:15 ng umaga.

Sa gabi naman ay magsisimula ito ng alas-6:00 ng gabi, susundan ng 7:15 at 8:30 ng gabi.

Magsasagawa rin ng misa ng alas-8:00 ng gabi na gagawin sa Liwasang Bonifacio.

Sa Disyembre 24 o bisperas ng Pasko ay may gaganapin na misa ng alas-7:00 ng gabi para sa vigil, at 9:00 pm naman para salubungin ang Pasko.

Sa mga hindi naman makakapunta, may inihandang livestream ang misa sa Quiapo Church sa kanilang social media account.