-- Advertisements --
image 87

Naitala ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng leptospirosis nitong nakalipas na linggo.

Batay kasi sa datus ng naturang lungsod, umakyat ng 45% ang kaso nito sa loob lamang ng iisang araw, na nangyari noong Agosto-1.

Ang kabuuang kaso na naitala mula Hulyo 27 hanggang sa ikatlong araw ng Agosto ay umabot ng 22.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, ang nasabing bilang ay 533% na mas mataas kumpara sa mga nakalipas na linggo na may naitatalang kaso ng leptospirosis.

Sa ksalukuyan, umabot na sa 69 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit mula noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Pito sa kanila ang kumpirmadong namatay.

PAtuloy namang nananawagan ang Quezon City sa publiko na kaagad magpakonsulta kung nakakaramdam ng sintomas ng naturang sakit.