-- Advertisements --

Surpresang dumalo si Queen Elizabeth II ng Britanya sa pormal na pagbubuksa ng train line sa London.

Kulay dilaw ang suot nito at nakabaston na naglakad sa Paddington station para buksan ang Elizabeth line na ipinangalan sa kaniya para bigyan siya ng parangal.

Kasama nito ang anak na si Prince Edward at sila ay sinalubong ni British Prime Minister Boris Johnson at London Mayor Sadiq Khan.

Magugunitang dahil sa hirap nitong paglakad ay maraming mga kaganapan ang kinansela ni Queen Elizabeth noong nakaraang mga buwan.