-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Queen Elizbeth II ang mga mamamayan ng Britanya na dumalo sa pagdiriwan ng kaniyang ika-70 taon sa puwesto.

Sa kaniyang mensahe, sinabi nito na nagagalak siya dahil sa maraming mga masasayang alaala ito habang nakaupo sa trono.

Ilang milyong mamamayan ng Britanya ang nagtipon para sa magarbong seremonya.

Personal naman na nilapitan ni Prince of Wales na si Prince Charles ang taong nanonood na nakapaligid sa Buckingham palace.

Kasama ni Queen Elizabeth II na nanood ng parada sa balcony ng Buckingham Palace sina Prince Charles, ang apo nito na sa tuhod na si Prince Louis at ina nitong si Princess Catherine at Charlotte.

Nagsagawa rin ng gun-salute ang mga 105th Regimen Royal Artillery sa London at iba’t-ibang bansa sa United Kingdom.

Pinanood din nito ang mga aerial shows mula sa mga figther jets na Royal Air Force.