-- Advertisements --
Naging pribado ang pagdiriwang ni Queen Elizabeth II ng kaniyang ika-96 kaarawan at ang ika-70 taon sa kaniyang puwesto.
Isinagawa nito ang pagdiriwang sa Sandringham,sa Norfolk sa eastern England.
Nagpaabot naman ng kanilang pagbati sina William at Catherine ang Duke and Duchess of Cambridge ganun din sina Charles ang Prince of Wales at Camilla, Duchess of Cornwall.
Itinuturing ngayon na pinakamatagal na serving female head of state sa kasaysayan ng British monarch si Queen Elizabeth II.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ng kumpanyang Mattel na mayroong silang ginawang Barbie doll para sa pagdiriwang ng Jubillee year ng reyna.
Magugunitang noong Pebrero ay nagpositibo sa COVID-19 si Queen Elizabeth II.