-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pinagbabawalan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang naka-quarantine sa iba’t ibang government-accredited facilities na magsalita sa media at mag-post ng kanilang hinaing sa social media.

Ginawa ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang naturang pahayag matapos igiit ng ilang mga quarantined OFWsna pinagbabawalan daw silang magpaunlak sa mga media interviews at mag-post sa social media ng kanilang saloobin hinggil sa karanasan sa quarantine facilities ng gobyerno.

Iginiit ni Bello na hindi dapat pagbawalan ang mga quarantine OFWs na ipahayag ang kanilang nararamdaman dahil kasalanan naman talaga ng pamahalaan kung bakit natagalan ang mga ito sa pag-uwi sa kanikanilang mga lugar.

Mababatid na kamakailan lang natapos ng pamahalaan ang pagpapa-uwi sa mahigit 24,000 OFWs na nagnegatibo sa COVID-19 at tapos na ring sumailalim sa 14-day quarantine.