-- Advertisements --
Kinaaliwan ng astronomical observers ang peak ng Quadrantid meteor shower ngayong araw, Enero 4, 2024.
Umaabot kasi sa 120 meteors kada oras ang makikita sa papawirin mula sa naturang kaganapan.
Hindi na rin kailangan ng special gadgets para lamang masilayan ito dahil maaliwalas naman ang panahon at walang gaanong tumatakip na ulap sa malaking parte ng ating bansa.
Kung mamasdan sa kalawakan, makikita ito sa may bahagi ng Big Dipper.
Mismong mga eksperto pa ang nagbigay ng payo na tingnan ito sa madilim at open area para sa best viewing experience.