Magpapakalat din ng mga plain-clothed personnel ang Quezon City Police District sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng 38th anniversary ng EDSA People Power Revolution sa darating na Pebrero 25, 2024.
Bahagi ito ng puspusang paghahanda na ginagawa ng naturang hanay ng kapulisan para sa naturang aktibidad na inaaasahang dadagsain ng ilan sa ating mga kababayan.
Ayon kay QCPD Director, PBGen. Redrico Maranan, layunin ng pagdedeploy ng mga plain clothed policemen na mas matiyak pa lalo ang seguridad ng ating mga kababayan sapagkat ang mga ito aniya ang nagbabantay upang matiyak na walang makakahalo na panggugulo sa kasagsagan ng pagdaraos ng mga aktibidad.
Habang bukod dito ay magtatagala rin ang QCPD ng mga checkpoints at magsasagawa rin ng mga police intervention tulad ng maximum tolerance para masiguro na magiging maayos at mapayapa ang serbisyo ng kapulisan.
Aniya, tinatayang nasa 1,400 na mga pulis ang kanilang ipapakalat sa iba’t-ibang lygar tulad ng People Power Monument, EDSA Shrine, and iba pang places of convergence sa lungsod.
Samantala, sa ngayon ay wala pa naman namomonitor at inaasahang magiging gulo ang QCPD kasabay ng naturang aktibidad kasabay ng patuloy na pakikipag-usap at panawagan sa mga kababayan nating lalahok dito na sumunod sa mga alituntunin at security measures na ipatutupad ng mga otoridad.
Matatandaang una nang sinabi ni PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. na nasa 8,500 na pulis ang kanilang idedeploy sa Metro Manila at Cebu para parin sa EDSA People Power Revolution anniversary.