Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang inihaing petisyon ng independent news oulet na Bulatlat.com na ipawalambisa ang utos ng National Telecommunications Commission na i-block ang kanilang website.
Ito ay matapos na mapag-alaman ng NTC na may koneksyon umano ito kasama ang 26 na iba pang news website sa mga komunistang grupo.
Sa pahayag ng QC RTC Branch 306, ipinaliwanag nito na wala raw sapat na katibayan ang naturang alternative media organization dahilan para hindi nila pinagbigyan ang petisyon nito.
Ayon kay sa abogado ni dating National Security Adviser Hermogenes Esporon, dapat daw na i-plead ng nasabing news outlet ang Anti-Terrorism Council bilang respondent sa kadahilanang ang hiling daw nito sa NTC ay ipatupad ang resolusyon nito na ikonsidera bilang terorista ang CPP-NPA-NDF.
Ngunit depensa naman ng abogado ng Bulatlat na si Frank Lloyd Tiongson na hindi kailangang i-implead ang Anti-Terrorism Council dahil ang NTC naman aniya ang naglabas ng kautusan at hindi ito.
Idinagdag din niya na ang aksyon na ito ng korte ay hindi makaaapekto sa kaso ng pagpapawalambisa sa kautusan ng NTC dahil nakatakda pa aniyang magsumite ng memorandum discussing ang mga partidong sangkot ukol dito.
Samantala, nakatakda namang isagawa sa August 2 ang susunod na pagdinig sa naturang kaso.
Magugunita na noong July 8, 2022 naghain ng temporary restraining order (TRO) at writ of premilinary injuction sa Quezon City Regional Trial Court sa nasabing news website sa pamamagitan ng kanilang legal counsel mula sa National Union of People’s Lawyers.
-- Advertisements --