Planong i -tap ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga mamamayan nito na ireport ang mga business establishment na lumalabag sa minimum health standards lalo na ngayon niluwagan na ang quarantine guidelines.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, mahalaga ang tulong ng bawat mamamayan ng siyudad para mapigilan ang pagtaas ng Covid-19 cases.
Sinabi ni Belmonte nais lamang niya na magkaroon ng striktong monitoring lalo na at dadami na ang mga taong lalabas sa kanilang mga tahanan.
Inihayag ng alkalde na mauuwi lang sa wala ang nakamit na tagumpay ng siyudad sa paglaban sa Covid-19 kung tataas muli ang kaso.
Siniguro naman ni Belmonte na mananagot ang mga establisimiyento na lalabag sa health and safety protocols.
Una ng iniulat ng Quezon City Government na 90 percent sa confirmed Covid-19 cases na naitala ng siyudad ay naka rekober na.
Pina-finalized na rin ng Quezon City government na luwagan ang quarantine guidelines batay sa direktiba at guideline ng Inter-Agency task force.
Plano din ng siyudad na iklian ang curfew mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw , subalit exempted dito ang mga essential activities na nag-ooperate ng 24-oras gaya ng food take-out and delivery, pharmacies, hospitals, convinience stores at delivery of goods.










