-- Advertisements --
Kinumpirma ng Qatar na naghain sila ng interest ng paghost ng 2036 Olympics.
Sinabi ng Qatar Olympic Committee (QOC) na nakipag-ugnayan na sila sa International Olympic Committee (IOC) ukol sa nasabing usapin.
Ilan sa mga bansang nagpahayag ng interest na maging host ay ang Indonesia, Turkiye, India, Chile, Saudi Arabia ,South Korea. Egypt, Hungary, Italy, Germany, Denmark at Canada.
Ibinida ng Qatar ang mga pasilidad nila matapos ang pagiging host nila ng FIFA World Cup noong 2022 at Asian Cup noong 2024.