-- Advertisements --

Kinondina ng Qatar ang walang patid na pag-atake ng Israel sa Gaza, Lebanon at Syria.

Ayon sa Foreign Ministry ng Qatar na maraming mga nasawi sa nasabing pag-atake at tila minamaliit ng Israel ang ceasefire agreement.

Nanawagan ang Qatar sa ibang bansa na tulungan silang ipaalala sa Israel sa mga nilalaman ng ceasefire deal.

Maguguntang maraming mga Palestino na ang nasawi matapos ang ginagawang pag-atake ng Israel.

Depensa naman ng Israel na kanilang target sa operasyon ang mga Hamas na nagtatago sa Gaza, Lebanon at Syria.