-- Advertisements --

Mula sa pagkatalo nito sa huling laro laban sa PLDT High Speed Hitters, bumawi ang Choco Mucho Flying Titans sa laban nito ngayong gabi kontra Akari Chargers na ginanap sa Ynares Center Antipolo. 

Tinalo ng Flying Titans ang Chargers sa straight sets na may score na 25-17, 25-22, 25-21.

Itinanghal namang player of the game ang middle blocker ng Flying Titans na si Maddie Madayag matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 8 attacks at 3 blocks. 

Habang ang outside hitter naman na si Sisi Rondina ay nakapagtala ng 13 points at 17 excellent digs. 

Sa kasalukuyang standing ay pumapangalawa ang Choco Mucho Flying Titans sa sister team nitong Creamline Cool Smashers. 

Ang susunod na laban ng naturang kuponan ay sa April 2 kontra Galleries Tower Highrisers sa Philsports Arena.