Tiniyak ng ilang opisyal ng gobyerno na gagawin nitong prayoridad sa inoculation program ng coronavirus vaccine ang mga public utility drivers, kasama na ang mga bus, jeep, at mga tricycle drivers.
Ito ay upang makatulong sa muling pagbangon ng transportation sector na isa rin sa mga lubhang naapektuhan ng pandemic.
Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, ang mga public utility drivers ay kasama sa priority list ng mga essential workers dahil naapektuhan ang kanilang hanapbuhay dahil sa health crisis.
Nakararanas din umano ang mga ito ng pagbaba sa kanilang kinikita bawat araw bunsod na rin sa dami ng tao na nawalan ng trabaho.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino upang maabot ang herd immunity laban sa coronavirus ngayong taon.
Aminado naman ang senador na kahit ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya upang tulungan ang publiko ay marami pa ring kailangan gawin. Lalong lalo na ang pagbibigay kaalaman sa taumbayan tungkol sa vaccination plan ng pamahalaan.