-- Advertisements --
Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na nila papalawigin pa ang Public Utility Vehicle consolidation na magtatapos ng Abril 30.
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III na kapag natapos na ang extension ang mga Public Utility Jeep na hindi nakapag-consolidate ay hindi na papayagan pang makapag-operate.
Mahalaga aniya na mag-consolidate na sila dahil ito ay bahagi ng modernization program na kanilang ipinapatupad.
Lahat aniya ng mga prankisa ng hindi nakapag-consolidate ay kanilang tatanggalin at papayagan lamang nila ay yung nakapag-consolidate.
Magugunitang ikinakasa ng ilang transport group ang tigil pasada bilang pagkontra sa consolidation program ng gobyerno.