LEGAZPI CITY – Patuloy pang iniimbestigahan sa ngayon ng kapulisan kung saan nagmula ang natagpuang putol na paa na inanod sa Barangay Bogtong sa isla ng Rapu-Rapu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Dante Bonafe ng Rapu-Rapu PNP, una umanong nakita ng mga bata ang plastic na naglalaman ng paa na pinaglaruan pa nila.

Hanggang sa isa sa mga residente ang nagbukas sa plastic at nadiskubre ang naaagnas ng putol na paa na pinaniniwalaang mula sa isang babae.

Sa ngayon inaalam pa ng PNP kung may nai-report na nawawalang tao malapit sa lugar, habang inilibing na ang naturang paa upang hindidi na magdulot pa ng sakit.