-- Advertisements --
Tinawag ni Russian President Vladimir Putin na ang terror attack sa Moscow ay kagagawan ng mga “radical Islamists”.
Sinabi nito na may baluktot ka kaisipan ang idolohiya ng mga Islamist na kanilang ipinaglalaban ng ilang dekada na.
Ikinonekta din nito ang Ukraine na may kinalaman sa nasabing terror attack.
Giit ng Russian President na dapat masagot kung bakit tinangkang magtago sa Ukraine ang mga suspek matapos ang ginawa nilang krimen.
Una ng itinanggi ng Ukraine ang nasabing paratang.
Magugunitang inako ng ISIS ang nasabing pag-atake na ikinasawi ng 139 katao.
Nitong Lunes ay kinasuhan na ng Russia ang 4 na suspek habang mayroong pitong iba pa ang kanilang inaresto na itinuturong kasabwat ng mga suspek.










