-- Advertisements --
Ibinunyag ni Russian President Vladimir Putin na mayroon silang sapat na suplay ng cluster bombs.
Sinabi nito na inirereserba nila ito at kanilang gagamitin kung kinakailangan.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagbibigay ng US ng mga cluster bomb sa Ukriane.
Ang nasabing uri ng bomba ay ipinagbabawal sa mahigit 100 na bansa dahil sa labis ang pinsalang dulot nito na maging ang sibilyan ay madadamay.