-- Advertisements --

Muling ipinagtanggol ni Russian President Vladimir Putin ang ginawa nitong paglusob sa Ukraine.

Ito ang lamang ng kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng Victory Day sa Moscow matapos ang tagumpay ng Soviet Union laban sa Nazi ng Germany.

Sinisi pa nito ang mga “Western globalist elites” na siyang nag-uudyok sa nasabing kaguluhan.

Dagdag pa nito na nakasasalalay aniya ang kinabukasan ng Russia sa mga sundalo nilang lumalaban ngayon sa Ukraine.

Ito na ang pangalawang Victory Day parade mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 2022.