-- Advertisements --
May kondisyon na inilatag si Russian President Vladimir Putin para matuloy na ang mapayapang pag-uusap na hiling ng US at Ukraine.
Ayon kay Putin na papayag silang humarap sa para mapayapang pag-uusap kapag pormal din kilalanin ng US na bahagi na ng Russia ang mga nakubkob na lugar mula sa Ukraine.
Tinutukoy ni Putin dito ay ang mga lugar na Luhansk, Donetsk, Kherson at Zaporizhzhia.
Magugunitang iginiit ni US President Joe Biden na ang pagkakaroon ng pag-uusap ay siyang malaking bahagi para matuldukan na ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.