-- Advertisements --

Kinumpirma na ni Russian President Vladimir Putin na mayroon ng itong ipinadalang nuclear weapons sa Belarus ang border nila ng Ukraine.

Sa kaniyang talumpati sa International Economic Forum sa St. Peterburg, tinawag nitong si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na isang kahihiyan sa mga Hudyo at wala aniyang pag-asang manalo ang Ukraine sa giyera.

Kahit aniya na tulungan ng mga kaalyadong bansa ng Ukraine ay hindi sila magwawagi.

Kinondina naman ng White House ang naging pahayag na ito ng Russia na may inilagay silang mga nuclear weapons sa Belarus.