-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni Russian President Vladimir Putin ang ginagawa nitong pag-atake sa energy infrastructure ng Ukraine.
Sinabi nito na wala siyang pinagsisisihan dahil ang nagsimula umano ng atake ay ang Ukraine.
Hindi aniya maapektuhan ang kanilang combat mission sa mga batikos na kanilang hinaharap dahil sa ginagawa nilang strike.
Isa lamang ganti ito sa Ukraine sa ginawa nilang pagpapasabog sa tulay sa Russia na nag-uugnay sa inangkin nilang Crimea noong Oktubre.
Nauna ng tinawag ng ilang mga bansa ang ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine dahil sa maraming mga sibilyan na ang nadamay at gusali na ang nasira.