-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Russia President Vladimir Putin ang matibay na relasyon nila ng China.
Ayon kay Putin na mainit ang kanilang relasyon kahit maraming mga bansa ang kumokondina.
Itinuturing niya na ang relasyon ng Russia at China ay “best in history” na kayang lagpasan ang anumang hamon.
Nagkasundo rin sila na patitibayin pa rin nila ang kanilang sandatahang lakas.
Sa katunayan aniya ay inimbitahan niya ang Chinese President na magtungo sa Moscow sa taong 2023.