-- Advertisements --

Inakusahan ni Russian President Vladimir Putin ang Ukraine ng paglusob sa kanilang border at walang habas na pinagbabaril ang mga sibilyan.

Sinabi ni Putin na ang insidente ay isang uri ng terorismo kung saan nagpakawala ng mga missiles at drones ang Ukraine.

Unang sinabi rin ni Byranks region governor na pinagbabaril ng mga Ukrainian ang ilang Russian na lulan ng sasakan sa Lyubechane isang border village ng dalawang bansa.

Mayroon na rin aniya silang inilagay ng mga sundalo para maharang ang nasabing mga puwersa ng Ukraine sa kanilang border.