-- Advertisements --
Muling binatikos ni Russian President Vladimir Putin ang akusasyon sa kanila ng Ukraine na hinaharang nila ang mga pantalan para hindi makadaan ang kanilang ilang toneladang trigo na kanilang ginagawa.
Sinabi ng Russian President na isang pambobola lamang ng Ukraine para makakuha ng simpatiya sa ibang bansa.
Paliwanag pa ni Putin na ang mundo ay nakakagawa ng 800 toneladang trigo sa kada taon.
Ito ay 2.5 percent lamang sa sinasabing aniya ng Ukraine na mayroong 20 milyong toneladang trigo ang nakabinbin sa kanilang pantalan dahil sa pagharang ng Russia.
Iginiit nito na hindi nila hinaharangan ang pag-angkat ng Ukraine ng mga trigo dahil maaari nila itong gawin sa mga pantalan na kontrolado nila.