-- Advertisements --
Hindi makakadalo si Russian President Vladimir Putin sa burol ng yumaong si Mikhail Gorbachev ang huling lider ng Soviet Union.
Ayon kay Dmitry Peskov ang tagapagsalita ni Putin na mayroong mga ibang mga mahalagang naunang lakad ang Russian President.
Dinalaw na rin aniya nito sa Moscow hospital si Gorbachev.
Magugunitang pumanaw ang 91-anyos dating Soviet Leader nitong Agosto 30.
Itinuturing siya ang naging susi para matuldukan ang cold war.