-- Advertisements --
Binisita ni Russian President Vladimir Putin ang mga sugatang sundalo na nakipaglaban para sakupin ang Ukraine.
Isinagawa nito ang pagbisita sa Mandryka military hospital kung saan pinuri ng Russian President ang mga ito at tinawag na mga bayani.
Ito ang unang beses na nakipagpulong si Putin sa mga sundalong nasugatan mula ng atakihin nila ang Ukraine nitong Pebrero.
Kinamayan niya ang mga sugatang sundalo kung saan tiyak umanong ipagmamalaki sila ng kani-kanilang anak.