-- Advertisements --

Surpresang binisita ni Russian President Vladimir Putin ang Mariupol ang lugar sa Ukraine na kanilang sinakop.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang Russian President sa bagong sakop nilang teritoryo ng Ukraine.

Sa video na inilabas ng Kremlin na makikitang minamaneho ng Russian President ang sasakyan patungo sa lugar.

Kasama nito si Deputy Prime Minister Marat Khusnullin kung saan ipinapaliwanag nito kung paano nila muling napaayos ang lungsod.

Pagdating sa lugar ay kaniyang kinausap ang mga tao doon.

Ikinagalit naman ng mga pinatalsik na opisyal ng Mariupol at sinabing kaya nagtungo ng gabi si Putin ay para hindi nito makita ang mga nasirang gusali sa nasabing lungsod.