-- Advertisements --

Magiging paksa sa gagawing pulong nina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping ang giyera sa Ukraine.

Isasagawa ang pulong ng dalawa sa Uzbekistan sa isang summit.
Ito rin ang unang biyahe sa labas ng kanilang bansa ang pangulo ng China mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic.

Nagsimula ang biyahe ni Xi sa Kazakhstan bago ang pagpupulong nila ni Putin sa Shanghai Cooperation Organisation (SCO) Summit in Samarkand, Uzbekistan mula Setyembre 15-16.

Makakapulong din ni Putin ang ilang mga lider ng bansa gaya ng India, Pakistan, Turkey at Iran.