-- Advertisements --

Pumanaw na ang Filipino singer na si Renee “Alon” dela Rosa sa edad 61 dahil sa respiratory complications.

Ayon sa kaniyang asawang si Raquel Hernandez, nalagutan ng hininga ang singer habang ito ay nasa Novaliches Distric Hospital dakong ala-siyete ng umaga nitong Setyembre 15.

Kuwento pa nito, nahirapan silang maghanap ng pagamutan dahil punuan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Matapos ang 48 oras at pag-ikot daw sa mahigit 30 pagamutan ay saka lamang nakahanap ang mga ito.

Dagdag pa nito, bago nagkasakit ang singer ay naulanan pa siya noong nakaraang linggo.

Nakilala si Dela Rosa sa hit song na “Pusong Bato”.

Inaayos pa ng pamilya ang detalye ng kaniyang burol.