Todo ang pasasalamat ni Sen. Grace Poe sa mga pulis na nagbabantay sa seguridad ngayong Araw ng mga Patay.

Sa kanyang pagbisita sa puntod ng kanyang amang si Fernandoe Poe Jr., pinuri ng senadora ang mga pulis sa pagpapanatili kaayusan at pagtitiyak na ligtas ang lahat ng dumadalaw sa kanilang mga yumaong kaanak.

Gayunman, inaasahang ngayong hapon pa bibisita sa puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery ang maybahay nito na si Susan Rocess kasama ang iba pang mga kaanak.

Maging ang ilan sa mga artistang nakatrabaho ni FPJ tulad na lamang nina Ice Zeguerra, Judy Ann Santos at Vandolph, ay inaasahan ding darating ngayong hapon.

Sa kabila rin ng pag-ulan, “blockbuster” pa rin ang puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery.

Hindi pinapalagpas ng maraming mga tagahanga ni FPJ na makapag-selfie man lang sa puntod ng kanilang idolo, bago magtungo sa puntod naman ng kanilang mga kaanak habang ang iba ay sinadya pa talaga ang pagpunta rito.

Taong 2004 nang binawian ng buhay ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino matapos ma-stroke.