-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki na driver ng motorsiklo matapos masangkot sa isang aksidente kungsaan nakabangga nito ang isang Nissan Urvan sa National Highway na bahagi ng Brgy.18, Magnuang sa lungsod ng Batac.

Ayon kay PMSgt. Emmanuel Cartagena, Imbestigador ng PNP-Batac, ang driver ng motorsiklo ay nakilalang si Mark Dave Ladip, 27-anyos, pump attendant, walang asawa at residente ng Brgy. Sta. Cruz bayan ng Currimao.

Samantala, sinabi nito na ang driver ng Nissan Urvan ay nakilalang si Conrado Arsenio Jr. Galam y Macadangdang, 54-anyos, may asawa, Brgy. Captain, negosiante at residente ng Brgy. 1 Sta. Rita, Bacarra.

Sinabi ni Cartagena na base sa naisagawang imbestigasyon, habang patungong hilaga ang Nissan Urvan ay biglang bumangga ang motorsiklo mula sa kabilang linya at timog na direksyon.

Aniya, dahil sa malakas na impact, nagtama ng mallaang sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi nag katawan ang driver ng motorsiklo habang nanatiling ligtas ang driver ng Urvan kasama ng dalawang indibidual na sakay nito.

Ipinaalam ni Cartagena na sa nailabas na CCTV footage, dumiretso ang driver ng motorsiklo hanggang sa nabangga nito ang Urvan.

Aniya, mabilis ang takbo ng motorsiklo ng mangyari ang aksidente.

Samantala, may inisyal ng pag-uusap ang driver ng Urban at pamilya ng biktimang namatay.