-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 4.5 millon ang nasasawi sa buong mundo dahil sa deadly virus na COVID-19 mula nang una itong maiulat noong Disyembre 2019 sa Wuhan, China.

Sa inilabas na latest data nasa 4,500,620 na ang death toll sa buong mundo matapos maidagdag ang halos 7,000 mga bagong namatay worlwide.

Pero ayon sa ilang mga eksperto kung tutuusin baka mahigit pa sa naturang datos ang totoong bilang ng mga COVID fatalities.

Samantala, mahigit na rin sa 217.7 million ang mga kabuuang kinapitan ng virus sa buong mundo.

Gayunman karamihan naman sa naturang bilang ay nakarekober na rin bagamat merong ibang mga naging pasyente ay nakaranas pa rin ng mga symtoms kahit ilang buwan na ang nakalipas.

Batay pa sa latest reports, ang mga bansa na may pinakamaraming mga bagong naitalang namatay ay ang Russia na may mahigit 7OO nasawi, sinusundan ito ng Iran na merong mahigit 600 at ang Indonesia na mahigit sa 500 na mga bagong mga namatay.

Ang Estados Unidos ang itinuturing na worst-affected country na mahigit na sa 637,000 ang death toll mula sa mahigit 38.7 million na COVID cases.

Matapos ang US, ang sunod na hardest-hit countries ang Brazil, India, Mexico, at bansang Peru sa dami ng mga namamatay dahil pa rin sa coronavirus.