Mayor Sara and Bongbong Marcos
-- Advertisements --

Nilinaw ni Davao City mayor at presidential dauther Sara Duterte-Carpio na ang pulong niya kasama si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cebu ay sumentro lamang sa kung paano makakatulong ang kanyang local party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao region.

Sa isang panayam, muling binigyan diin ni Mayor Sara na wala siyang balak na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Tumanggi naman itong sabihin ang iba pang usapin na kanilang natalakay sa naturang pulong.

Kahapo, nagkita ang dalawa sa Cebu City para ipagdiwang ang kaarawan ni Tingong Party-list Representative Yedda Marie Romualdez.

Dumating si Mayor Sara sa lungsod suot ang green na hoodie na may nakasulat na “Sara All 2022.”

-- Advertisement --

Magugunitang usap-usapan dati pa na si Mayor Sara ang siyang magiging running mate ni Marcos, pero kapwa tahimik ang dalawang partido ukol dito.