Nagpaabot ng apela si Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Leo Francisco sa mga militanteng grupo na huwag na silang magsagawa ng protesta, kung saan magsisiksikan ang mga tao sa darating na Labor Day.
Ayon kay Gen. Francisco, mas lantad na magkaroon ng kumpulan ng tao dahil bukod sa rally ay may mga program pa ang mga supporters ng mga kandidato.
Sinabi ng opisyal na ipagbabawal nila ang rally sa Mendiola, Liwasang Bonifacio at iba pang lugar sa Manila dahil nanatili pa rin ang banta mg COVID-19 pandemic.
Ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay hindi rin maglalabas ng permit para mag-rally tulad ng nakaraang taon dahil sa babala ng Department of Health (DOH) na may posibilidad pang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Giit nito, maaari pa rin namang magprotesta sa pamamagitan ng online protest, para ligtas sa siksikan ng mga tao.