-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang pulis sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Patrolman Michael Gallegos,nakatala sa Carmen Municipal Police Station.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na binaril ng hindi kilalang suspek si Gallegos habang on duty at nagpapatrolya sa national highway ng Brgy Poblacion Carmen Cotabato.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo.
Agad dinala ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen MPS at mariin nilang kinondena ang pamamaril kay Gallegos.