NAGA CITY- Sugatan ang isang pulis matapos ang mahagip ng motorsiklo sa Concepcion Grande, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Pat. Robert Fellino Alpapara II, 28-anyos.

Ayon sa Naga City Police Office (NCPO), sinasabing nangangasiwa ng trapiko si Alpapara sa bumagbagsak na poste ng Camarines Sur Electric Cooperative nang aksidenteng mabangga ng motosiklo na minamaneho ni Alfred Rosquites masama ang backrider ito.

Agad namang dinala sa ang Bicol Medical Center ang pulis at ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos magtamo ng sugat sa katawan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.