-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang pulis matapos makaladkad ng jeep ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Bulawan Sr., Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Pat. Mark Anthony Alforte Madrona.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Lupi, napag-alaman na habang binabaybay ng naturang pulis ang daan patungo sa kasentrohan ng nasabing lugar nang aksidenteng nabangga at nakaladkad ito ng isang Jeep na minamaneho naman ni Jay Sarol Rosales.

Kaugnay nito nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.