LAOAG CITY – Nahuli ang isang tricycle driver matapos sinaktan at pinagmumura ang isang pulis sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang biktima si Police Master Sergeant Arnel Mendez, may asawa, residente sa Brgy. Imelda sa bayan ng Marcos sa lalawigan ng Ilocos Norte habang ang suspek ay si Silverio Pascual, 34, drayber ng traysikel at residente Brgy. 1 San Lorenzo sa lungsod ng Laoag.

Ayon sa impormasyon, habang pahilagang direksyon ang sinakyan ni Mendez na isang Toyota Innova ay nag-overtake at may nasaging bato na tumalsik sa traysikel ni Pascual.

Dahil dito, hinabol ni Pascual ang nasabing pulis at pinahinto pagkatapos at dito na niya pinagmumura at sinaktan.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban kay Pascual.