-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang totoong pangyayari sa likod ng pagkamatay ng isang pulis na natagpuan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cuartero, Jaro, Iloilo City.

Ang biktima ay si Police Senior Master Sergeant Stephen Aguilar, nakadestino sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO), kasado at may dalawang anak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Wence Alcober, Deputy for Operations ng Jaro Police Station, sinabi nito na natagpuan ang pulis na wala nang buhay at may tama ng bala sa kanyang ulo.

Narekober naman ang slug at basiyo ng 9mm nga pistol kung saan inaalam pa kung nanggaling ito sa service firearm ng biktima.

Sa ngayon, hinihintay pa ang statement ng maybahay ng pulis.

-- Advertisement --