KORONADAL CITY – Nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang isang pulis matapos itong pagbabarilin habang bumibisita sa bahay ng kaniyang ex-girlfriend sa Brgy. Ganatan, Arakan, North Cotabato.
Sa impormasyong ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal, kinilala ang biktimang si Patrolman Chris Manuel, 30, single at residente ng Antipas, North Cotabato na nakadestino sa Cotabato Provincial Mobile Force Company (CPMFC) sa Amas, Kidapawan City habang an suspek naman ay si Ryan Amor, 30, security guard at residente ng Amas, Kidapawan City.
Napag-alamang binisita umano ng pulis ang kaniya ex-girlfriend pati ang apat na taong gulang nilang anak nang maabutan ni Ryan Amor na kasalukuyang bf at live-in partner ng kanyang dating kasintahan.
Posible umanong nagselos ang suspek dahilan na nagawa nito ang pamamaril gamit ang kalibre 45 at tinamaan sa magkabilang hita ang pulis na agad na isinugod sa ospital.
Sa ngayon kasalukuyan pang pinaghahanap ang suspek matapos tumakas matapos gawin ang krimen.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.