CAUAYAN CITY- Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin kaninang umaga sa barangay Manalansan Street, Purok 3, homestead, Bambang, Nueva Vizcaya
Ang biktima ay si Police Staff Master Sgt. Aldwin Aspacio James , 43 anyos at nakatalaga bilang Field Training Officer ng Bambang Police Station.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay susuduin sana ang mga police field trainees upang makibahagi sa Brigada Eskuwela nang dumating ang dalawang pinaghinalaan na sakay ng Yamaha NMAX na walang plaka.
Nagsilbi namang gunman ang isa sa mga pinaghihinalaan.
Ang biktima ay nagtamo ng apat tama ng bala ng baril sa katawan kabilang ang dalawang tama malapit sa kanyang dibdib , isa sa kanyang tiyan at isa sa kanyang kili-kili.
Dinala sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng baril.
Patuloy ang pangangalap ng Bambang Police Station sa mga kuha ng CCTV Camera upang matukoy at makilala ang mga pinaghihinalaan na bumaril at pumatay sa nasabing pulis.