Tinanggal na sa kanyang serbisyo bilang pulis si dating Argao Police Station Chief PMajor Ildefonso Miranda matapos pirmahan ni Police Regional Office (PRO-7) Director Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro ang dismissal order laban sa kanya ngayong araw.
Nabatid na nakulong si Miranda matapos nadiskubre na pinapatulog nito sa kanyang quarter ang isang babaeng detainee.
Inaresto ang naturang police officer ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police noong nakara-ang buwan sa
pamamagitan ng entrapment operation.
Nahuli si Miranda kasama ang babaeng detainee matapos madatnan ng operatiba ang dalawa na nasa loob ng quarter.
Ayon kay PBGen Ferro, isang grave offense ang ginawa ni Miranda kaya hindi na nito matatanggap ang mga benepisyo bilang police officer.