BUTUAN CITY – Tiniyak ng Police Regional Office (PRO)-13 na iniimbestigahan na ang report ukol sa isa nilang opisyal na siyang nag-operate sa isang tanggapan ng Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International dito sa Lungsod ng Butuan.

Ayon kay Pol. B/Gen. Gilberto DC Cruz, regional director ng PRO-13, kasama nila ang National Bureau of Investigation-Caraga sa pag-imbestiga sa ‘di pa pinangalanang police officer na sinasabing manager sa KAPA office sa may Barangay Villa Kananga.

Aminado naman ang opisyal na maraming pulis ang nabiktima rin ng KAPA kung saan ang iba ay naging mga middle man na para sa kanilang mga kasamahan.

Kaugnay nito, ninabalaan na niya ang kanyang mga tauhan na umalis na sa nasabing grupo at h na muling sumali pa sa mga investment scams upang maging modelo ng mga ordinaryong tao.