-- Advertisements --

Natukoy na umano ng PNP-fact finding investigation task group ang mga pulis na bumaril at nakapatay sa dalawang drug suspeks sa operasyon sa Biñan City, Laguna noong nakaraang linggo.

Batay ito sa isinagawang ballistic examination ng 11 baril ng mga pulis na kasama sa operasyon na isinumite ni B/Gen. Eliseo DC Cruz, regional director ng PRO-CALABARZON, kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, ang .45 caliber slug na narekober sa labi ng 16-anyos na suspek na si Jhondie Maglinte Helis ay na-tracé na mula sa baril ng isang Police Senior Master Sergeant.

Habang ang narekober na bala sa pangalawang suspek na si Antonio Dalit ay nanggaling naman sa baril ng isang Police Commissioned Officer.

Pero paliwanag ni Eleazar, hindi pa rin malinaw sa ngayon kung nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at mga suspek o kung binaril ang mga suspek ng walang kalaban-laban tulad ng mga lumulutang na alegasyon.

Nanawagan naman si Eleazar sa mga testigo sa krimen na humarap at magbigay ng salaysay upang makatulong sa imbestigasyon.

Ang 10 pulis na sangkot sa Laguna operations ay ang mga sumusunod:

1.PCPT Fernando Lanestosa Credo

  1. PSMS Mark Lester Brondial Yonzon
  2. PSSg Ricky Sabatin Sacurom
  3. PSSg Elmer Rojas Belaro
  4. PSSg Rodrigo Villanueva Velarde Jr
  5. PCpl Felix Nico Rumbaoa Agudong
  6. PCpl Leonardo Salteras Roldan
  7. PCpl Gilbert Tonogbanua Florentino
  8. PCpl Christopher Siguenza San Jose
  9. Pat Rowie Carag Cadangan