-- Advertisements --

Nailibing na kahapon, Pebrero 11, ang isang pulis na hinimatay habang nakikipaglahok sa 21 km fun run sa Cebu noong Pebrero 5 na humantong sa kanyang pagkamatay.

Inihimlay si Patrolman Lee Rodrocks Carbonilla sa Canlaon City Memorial Garden sa isang napakasolemn na seremonya.

Nagbigay ng funeral honor 21 gun salute at comemorative ceremony ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 7 bilang pagpupugay sa kanyang napakahalagang serbisyo sa pagiging bahagi ng organisasyon ng PNP.

Siya ay 31 anyos at nakatalaga sa Technical Support Company ng RMF-7.

Naging dahilan ng pagkamatay ni pulis ay “acute decompensated heart failure,” na naging sanhi ng biglaang pag-atake sa puso nito.

Inilarawan pa si Carbonilla ni RMFB-7 force commander Col. Ronan Claravall bilang athletic at madalas na sumali sa mga running event.

Kasunod ng nangyari sa pulis, pinaalalahanan ni Claravall ang kanyang mga tauhan na magkaroon ng regular na check-up.