LAOAG CITY – Tuluyan nang gumaling sa COVID-19 ang pulis mula Ilocos Norte na nauna nang nagpositibo sa naturang sakit.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag, sinabi ng naturang pulis na kahit magaling na siya ay hindi muna siya umuwi sa kanilang bahay dahil gusto muna niyang mag-self quarantine malayo sa kanyang pamilya.
Uuwi lamang daw siya sa kanilang bahay pagkatapos ng 14 na araw na self quarantine.
Ikinuwento naman ng naturang pulis ang kanyang naging karanasan nang siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Ilan aniya sa mga naranasan niya ay panlalamig ng katawan, matinding sakit ng ulo, pagkahilo, pananakit ng lalamunan, pagkawala nang panlasa sa pagkain at panghihina.
Samantala, nagpasalamat naman ito sa mga health workers na tumulong sa kanya para gumaling sa sakit.