-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado sa buy bust operation ang isang pulis sa Davao City matapos mabatid ang pagbebenta nito ng iligal na droga.

Kinilala ang naarestong si police Staff Sgt. Elcelito Marandan Colita ng Marilog Police Station.

Kasama nitong nadakip ang isang Glenn Art Muring, na kapatid umano ng isang opisyal ng Davao City Police Office.

Batay sa ulat, nakuhanan ang dalawa ng P10,000 halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga sa operasyong ginawa sa Inigo St., Brgy. Barrio Obrero.