-- Advertisements --

IMEG6

Arestado ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis at apat na miyembro ng Truck Ban Traffic Management Office ng Apalit, Pampanga, dahil sa pangongotong.

Ayon kay PNP IMEG Director PBgen. Thomas Frias nahuli ang mga suspek sa akto ng pagtanggap ng pera mula sa isang truck driver na may kasamang undercover agent kaninang umaga sa tapat ng Caltex Gas station sa may Quezon Road Mc Arthur Highway sa San Simon Exit, Apalit, Pampanga.

IMEG11

Kinilala ang mga arestado na sina: PCPL Leomar Calegan; Marlon De Guzman; Menard Mendoza; Michael Maniulit, at Noel Manarang.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit P800,000 cash na pinaniniwalaang koleksyon ng mga suspek mula sa mga truck driver na dumaan sa lugar sa magdamag.

Ang mga suspek ay dinala sa IMEG-Luzon Field Unit at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 3019, o Anti Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713, Code of Conduct and Ethical Standards for Government Employee; at Robbery Extortion.