Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng iba’t ibang online platforms kasabay sa mga kaganapan at isyu sa Senado.
Paalala ng ahensiya na suriin maigi ang mga nababasa o nakikitang impormasyon at panatilihin pagiging responsable sa anumang ibinabahaging ‘contents’ online.
Anila’y patuloy silang nakabantay sa mga nangyayari kung saan kanilang namonitor ang ilang diskusyon at aktibidad ng mga gurpo sa iba’t ibang digital platforms nag-uudyok para magsagawa ng kilos-protesta hinggil sa makaraan pagbabago ng liderato sa Senado.
Kung kaya’t hinimok ng naturang ahensiya ang mga Pilipino na ipairal ang pag-iingat lalo na sa mga impormasyon hindi beripikado na layon lamang iligaw o lituhin ang publiko at palalain ang tensyon sa pulitika.
Ayon kay Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang ‘cyberspace’ ay hindi lamang isang platform para ilahad ang opinyon ng bawat isa kundi espasyo sa responsibilidad ng mga nagamit na seguraduhin ang mga impormasyon ay tiyak at tama.
















